Carlo Aquino, may sweet na mensahe para sa kaarawan ng nobya

ABS-CBN News

Posted at May 08 2020 12:37 PM

MAYNILA — Maiksi pero matamis ang naging pagbati ng aktor na si Carlo Aquino para sa kanyang nobya si Trina Candaza.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

“Happy Kaarawan mahal ko,” ani Carlo sa isang post sa Instagram.

Enero 2019 pa lang ay lumalabas na ang balitang nagdi-date ‘di umano sina Carlo at Trina sa kabila nang pagkakaugnay ng aktor sa dati rin nitong nobya na si Angelica Panganiban.

Hulyo noong nakaraang taon ay kinumpirma naman ni Carlo na masaya siya kasama si Trina.
 
Makalipas ang ilang buwan, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay naglabas si Carlo ng larawan kasama si Trina sa Instagram.