MANILA -- Throwback feels naman ang naramdaman ng fans nang magkita sina Bea Alonzo, Dimples Romana at Beatriz Saw na cast ng pelikulang "One More Chance."
Sa pelikula na ipinalabas noong 2007, magkakaibigan ang tatlo at "Thursday Barkada" ang tawag nila sa kanilang samahan.
Sa Instagram, ibinahagi ni Dimples ang kanilang retrato pagkatapos magkita at mananghalian sa Taguig.
Sa caption, ibinahagi ni Dimples na "It's forever Thursday for us."
-- Umagang Kay Ganda, Mayo 8, 2019
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
One More Chance, reunion, Bea Alonzo, Dimples Romana, Beatriz Saw, Tagalog news, Umagang Kay Ganda