Miho Nishida, ipinasilip ang bagong bahay

ABS-CBN News

Posted at May 08 2019 11:40 AM

MANILA -- Isang bagong biyaya ang natanggap ng dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Miho Nishida.

Sa Instagram, ibinahagi ni Miho ang isang retrato kung saan kita siya at ang kanyang anak na si Aimi sa harap ng kanilang bagong bahay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Miho Nishida (@real.miho_nishida) on

"Welcome to our new house," ani Miho na siyang naging big winner sa second batch ng "Pinoy Big Brother: 737" noong 2015.

Naging miyembro rin ng GirlTrends si Miho at umabak na rin sa mga seryeng gaya ng "La Luna Sangre" at "Since I Found You."

Nito lamang Sabado, Mayo 4, ay sinimulan ni Miho ang pagsabak sa vlogging.

Ayon pa kay Miho, nakatakda rin siyang gumawa ng isang teleserye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.