KILALANIN: Mga bagong karakter sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2019 12:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isa si Arron Villaflor sa mga bagong aktor na aabangan sa sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nitong Lunes, ipinakilala na ang karakter ni Arron bilang si Police Captain Amir Marquez na tila bagong makakatapat ng bidang karakter ng serye na si Ricardo "Cardo" Dalisay.
 
Aabangan din ang pagganap nina Kaiser Boado, Josef Elizalde at Martin Escudero bilang miyembro ng isang bagong task force na pinamumunuan ni Amir.

Misyon ng bagong task force na tulungan ang Task Force Agila ni Cardo para hulihin si alias Bungo at grupo nito na siyang pumatay kay Police Captain Francisco "Chikoy" Rivera.
 
Matatandaang bago ang "Ang Probinsyano" una nang nagkasama si Arron at Coco sa 2013 seryeng "Juan dela Cruz."

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.