Matapos hingan ng public apology, Ellen nag-post ng pedicure

ABS-CBN News

Posted at May 08 2018 10:38 PM | Updated as of May 08 2018 11:43 PM

Pedicure, hindi public apology, ang laman ng Instagram story ni Ellen Adarna ngayong Martes. 

Sa dalawang maikling video na ipinost sa Instagram, ipinasilip ni Adarna ang ginagawang paggupit sa kaniyang kuko sa paa.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa isang Facebook post na ang nilalama'y ipinadala rin sa ABS-CBN News, sinabi ni Myra Abo Santos, ina ng 17 anyos na si Eleila Santos, na sumangguni na sa abogado ang kanilang pamilya kaya nila inilathala ang isang open letter para kay Adarna.

Sabi ni Santos, dapat mag-public apology si Adarna kay Eleila matapos umanong masira ang reputasyon ng dalagita.

"My family and I have begun seeking legal assistance. As advised by our lawyer, we are now writing this letter. As her family, we ask you to publicly apologize to Eleila. We prefer not to take this further, but as our only daughter, we are ready to take this wherever needed to protect her integrity," saad ng liham ni Myra.

"As much as no one has the right to breach your privacy, you have no right to ruin my daughter’s reputation."

 

Noong Biyernes, Mayo 4, nag-post si Adarna ng video ni Eleila kung saan umano kinukuhanan ng video ni Eleila si Adarna.

Caption pa ni Adarna sa video: "'yan ha... You know the feeling... Uncomfy noh? When you PAP us, we PAP you too! Nasa resto eh. It's a tie."

Gumamit pa ng hashtag #PaparazziMoves si Adarna sa post.

Gayunman, iginiit ni Eleila sa kaniyang Twitter account na hindi nga niya napansin si Adarna at kinukuhanan niya lang ang kanilang kinakain.

Pero nanindigan pa rin si Adarna na kinukuhanan siya ng video o larawan ni Eleila.

"Girl, your reaction in the video that I took explains it all, like you look so guilty, you didn't even know what to do, if you should pick up your chopsticks, you looked so conscious because you panicked, because you know I was doing what you're doing," paliwanag ni Adarna sa kaniyang IG story.

Ayon pa kay Adarna, binalak niyang puntahan ang nasabing kostumer para ipabura ang umano'y kuha nitong video, ngunit nagdesisyon na lamang siyang kuhanan din ang customer.

"And I saw her post, I saw the video that she took, she was casually eating ramen, but like she took a video, girl, if you take a video of your food, you focus on the food, you don't focus or you don't show the people in the background," sabi ni Adarna.

Nanghihingi rin ang aktres ng kopya ng CCTV footage mula sa may-ari ng restoran. 

Tila naman ginagaya ng nobyo ni Adarna na si John Lloyd Cruz ang pagkuha ng video ni Adarna sa mga taong nagbi-video sa kanila.

Sa isang post sa IG, nag-caption si Cruz ng "reciprocity" sa kinuhanang video ng taong tila kumukuha rin ng video o larawan ni Cruz.

 

Reciprocity

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Simula noong nakaraang taon ay naging mainit na isyu ang umano'y pagbubuntis ni Adarna sa panganay nila ni Cruz.

Nitong Abril, usap-usapang nagsilang na si Adarna kasunod ng post ng isang kaibigang nag-congratulate sa pagiging ina ni Adarna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.