Bea Alonzo, nasorpresa sa sulat galing kay Gerald

ABS-CBN News

Posted at May 08 2018 11:33 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagulat si Bea Alonzo sa natanggap na sulat mula sa napapabalitang nobyo nito na si Gerald Anderson.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, binasa ni Bea ang sulat kung saan binati siya ni Gerald sa kanyang pinakabagong proyekto.

Ayon sa aktor, palagi lang siyang nariyan para sa aktres na kanyang "teenage crush" at itinuturing na idolo.

Pag-amin ni Bea, hindi niya inaasahan ang liham mula sa aktor. 

"Nagulat ako, siyempre. Nagulantang," ani Bea.

"In fairness mapadala siya ng bulaklak at ma-note. Thank you, thank sa letter and thank you for always being there," dagdag ng aktres.

Matatandaang kamakailan lang ay inamin ni Gerald ang hindi nila pagkakaunawaan nila ni Bea. Pero ayon sa aktor, agad naman nilang naayos ang gusot. 

Noon lang nakaraang linggo ay ipinakita na ng aktor ang kanyang suporta sa aktres sa pag-promote nito ng pelikulang "Kasal."

Bumisita sa "Magandang Buhay" si Bea para anyayahan ang mga manonood na suportahan ang kanyang pelikula kung saan makakasama niya si Paulo Avelino at Derek Ramsay sa direkyon ni Ruel S. Bayani.

Ipapalabas sa mga sinehan ang "Kasal" sa Mayo 16.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.