Maymay Entrata tungkol sa Halalan ang hiling sa kaarawan

ABS-CBN News

Posted at May 07 2022 05:00 PM

Mula sa Instagram ni Maymay Entrata
Mula sa Instagram ni Maymay Entrata

MANILA – Pagkakaisa at pagiging mabuti sa kapwa ang hiling ng aktres na si Maymay Entrata sa kaniyang kaarawan. 

Sa inilabas na maikling video collage sa Instagram, sumentro sa paparating na halalan ang birthday wish ni Entrata na ipinagdiriwang ang kaniyang ika-25 na kaarawan. 

Ayon sa aktres, iisa lamang ang hangarin ng mga Pilipino kaya umaasa siyang magiging mabuti ang bawat isa sa kapwa. 

“May isa pa akong hiling at eto ay tungkol sa nalalapit na halalan nawa’y kahit ano mangyari, mangingibabaw ang pagkakaisa at pagiging mabuti sa kapwa dahil sa huli iisa lang din ang gusto nating makamit, ang magandang kinabukasan ng ating bayan,” ani Entrata.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

“Lagi nyong tatandaan na ang buhay natin ay temporary lang kaya wag na mag mug’ot mo tiguwang ka’g dali ana.”

Sa simula ng kaniyang post, sinabi ng Kapamilya star na isa ito sa pinakamasaya at mapayapang kaarawan na naranasan niya. 

May mga hiling aniya siyang nakamit ngayong taon at naging maayos naman ang kaniyang pamilya sa kabila ng pandemya.

Unang nakilala si Entrata sa “Pinoy Big Brother” noong 2017, kung saan itinanghal siya bilang Big Winner. 

Nito lamang Pebrero, isinapubliko na ni Entrata ang kaniyang foreigner na nobyo.