PatrolPH

PANOORIN: Official trailer ng 'Momshies Ang Soul Mo'y Akin'

ABS-CBN News

Posted at May 07 2021 07:36 PM

Watch more on iWantTFC

Inilabas na ng Star Cinema ang opisyal na trailer ng Mother’s Day comedy movie nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros na “Momshies Ang Soul Mo’y Akin.”

Kagaya ng naging unang pasilip sa pelikula, ipinakita sa trailer na iikot ang kuwento sa pagkakapalitan ng kaluluwa ng tatlong pangunahing karakter na sina Karlene (Estrada), Jolene (Magdangal) at Mylene (Cantiveros). 

Umabot na sa higit 100,000 views ang nakuha ng trailer, anim na oras mula noong ilabas ito sa YouTube. 

Naunang pinost ng mismong direktor na si Easy Ferrer sa kaniyang Instagram account noong nakaraang linggo ang tungkol sa pagsasama ng “Magandang Buhay” hosts. 

Ito ang unang pelikula nina Estrada, Magdangal, at Cantiveros na magkakasama matapos magkatrabaho sa unang season ng “Your Face Sounds Familiar” bago naging hosts ng “Magandang Buhay.”

Mapapanood ang pelikula ng mga Momshies sa May 28 sa mga digital streaming platforms tulad ng KTX.ph, iWant TFC, TFC IPTV, Sky Cable PPV and Cignal PPV.

Related videos:

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.