PatrolPH

Maymay, nagdiwang ng kaarawan habang naka-lockdown

ABS-CBN News

Posted at May 07 2020 11:24 AM

MANILA — Pasasalamat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga tagahanga ang laman ng mensahe ni Maymay Entrata sa kanyang ika-23 kaarawan nitong Miyerkoles, Mayo 6.

Sa Instagram, nagbahagi rin si Maymay ng mga retrato ng kanyang selebrasyon sa bahay habang nasa ilalim pa rin ang Metro Manila at iba pang probinsiya sa enhanced community quarantine dahil sa banta ng coronavirus disease.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

“Sobra ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil ang hinihiling ko lang naman ay kung ano 'yung sapat lang pero ang binibigay Niya ay sobra at 'yun ay isang kayamanan, kayamanang hindi nabibili at 'di napapalitan ng kahit ano at ito ang pagmamahal niyo sa 'kin,” ani Maymay.

“Sa mahal kong pamilya, kaibigan, at sumusuporta sa akin, isang napakalaking biyaya po na sinamahan niyo 'ko sa mala-fairy tale na buhay kong ito na habang buhay kong dadalhin hanggang sa pagtanda ko. Buong puso na nag papasalamat po ako at mahal ko po kayong lahat,” dagdag ng aktres.

Nagsimula ang karera ni Maymay sa showbiz noong 2017 nang tanghalin siyang big winner sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7.”

Sa Bahay ni Kuya rin nabuo ang MayWard, ang tawag sa tambalan nila ng dati ring housemate na si Edward Barber.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.