Ai Ai, may mensahe sa mga kandidatong gumagamit ng 'Hayaan Mo Sila'

ABS-CBN News

Posted at May 07 2018 06:50 PM

MAYNILA -- May mensahe ang aktress na si Ai Ai delas Alas sa mga kandidatong gumagamit ng kantang "Hayaan Mo Sila" sa kanilang kampanya.

Si Delas Alas ang tumatayong manager ng grupong Ex Battalion na nagpasikat sa kanta.

Sa isang post sa kanyang Instagram account, ipinaalala ni Delas Alas na may mga batas na sumasaklaw sa paggamit ng nasabing kanta.

Aniya, may mga kandidato umano sa Quezon City, Makati at sa iba pang lugar na gumagamit ng "Hayaan Mo Sila" na walang permiso mula sa grupo.

Dagdag pa ni Delas Alas, maari silang i-text ng sino mang gustong gumamit ng kanta.

"Kung gusto nyong gamitn ang kanta mag text lamang sa ‭(0917) 750 0291‬ maraming salamat po," aniya.

Umabot na sa mahigit 50 million views ang music video ng "Hayaan Mo Sila" sa YouTube simula nang una itong ilabas noong Nobyembre 2017.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.