PatrolPH

Ano'ng natutuhan nina Kim, Gerald sa kanilang relasyon?

ABS-CBN News

Posted at May 08 2017 12:39 AM | Updated as of May 08 2017 08:04 AM

Ibinahagi ng dating magkasintahan na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang kanilang mga natutunan matapos nila maghiwalay.

Ayon kay Gerald, mas naging mature siya matapos ang relasyon nila ni Kim. 

"Maturity siguro pagdating sa isang relasyon, kung paano mas i-handle nang mas maayos, kung paano mas alagaan 'yung tao na mas maganda. Kung paano mas respetuhin 'yung tao, i-value 'yung ginagawa niya para sa'yo," ani Gerald.

Aminado naman si Kim na natutunang niya na mahalagang gumawa rin ng ibang bagay kahit na may karelasyon na.

"Gumawa ka rin ng sariling mundo dapat, may sariling circle. Kapag naglalaro ng basketball, punta ka sa mall, mag-shopping ka... tapos huwag masyadong clingy," dagdag ni Kim.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.