PatrolPH

Xian Lim, may bagong sorpresa kay Kim Chiu

ABS-CBN News

Posted at May 06 2021 12:39 PM | Updated as of May 06 2021 04:09 PM

MAYNILA -- Isang bagong sorpresa ang natanggap ng aktres at host na si Kim Chiu mula sa kanyang nobyo na si Xian Lim.

Sa kanyang Instagram nitong Martes, Mayo 4, ibinahagi ni Kim na isang full riding gear ang binili at ibinigay sa kanya ng kasintahan.

Nag-upload din ang aktres ng mga retrato kung saan kitang nakaangkas siya sa motorsiklo ni Xian. 

Ilang retrato din kung saan kitang nakasuot ng full gear si Kim ang ibinahagi niya para sa kanyang mga tagasunod at tagahanga.

"Someone bought me a full gear para daw ready ako umangkas sa kanya!" ani Kim.

"Ang bigat ng helmet, di talaga ako mauuntog nito!" pabirong dagdag niya. 

Sa kanya namang Instagram page, nagbahagi rin si Xian ng mga retrato nila ni Kim na kuha mula sa kanilang pinakabagong bonding.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

"'Yung riding boots mo... 'yan na susunod nating kukunin for you," ani Xian sa caption.

Nito lamang nakaraang buwan, sa kaarawan ni Kim, ay muling ipinahayag ni Xian ang pagmamahal sa aktres.

Related video:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.