'Masaya, madali': Janine Gutierrez, inilarawan ang buhay pag-ibig

ABS-CBN News

Posted at May 06 2021 04:47 PM

MAYNILA -- "Masaya at saka madali lang." Ganito inilarawan ng aktres na si Janine Gutierrez ang relasyon nila ng nobyong si Rayver Cruz.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes sa pamamagitan ng Zoom, naging bukas si Janine sa pagkukuwento tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Watch more News on iWantTFC

"Palaging sinasabi ng nanay ko na dapat ganoon daw 'yung hanapin mo, 'yung parang madali lang. Tapos hindi ko maintindihan, 'ano ba 'yung ibig sabihin nun?' Parang kasi di ba, kapag mas bata ka akala mo mga drama, ganyan. Ibig sabihin okay ang mga ganyan. Pero noong nakilala ko si Rayver sabi ko, 'ah ito pala ang ibig sabihin ng mommy ko,'" ani Janine.
 
Para rin sa aktres, ipinagpapasalamat niya na nakilala siya at tanggap siya nang husto ni Rayver.

Pinuri rin ni Janine ang nobyo sa pagiging mabuting tao nito lalo na pagdating sa pamilya.
 
"Noong una kasi ayaw ko pang magka-boyfriend, noong nakilala ko siya. Alam mo 'yung hindi ako nag-adjust, lahat ng kabaliwan ko ipinakita ko. Hindi ako nag-effort magpaganda, mga ganyan. So ipinakita ko talaga sa kanya kung ano ako nang buong-buo. Ngayon masasabi ko na tanggap niya ako nang buong-buo," aniya.

"Alam mo 'yung kayang-kaya niya 'yung araw ko. Kung isang araw malungkot ako o ang dami kong iniisip, alam na alam niya kung paano ako kausapin. At saka ramdam ko na wala akong kailangang itago o baguhin tungkol sa sarili ko. Sobrang generous niya at mabait lalo na sa pamilya," dagdag niya.

Maliban sa paparating na serye na "Marry Me, Marry You," bibida ngayong darating na Sabado si Janine sa isang espesyal na episode ng "Maalaala Mo Kaya." 
 

Related videos:

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC