PatrolPH

‘It’s Showtime’ hosts nagpakita ng suporta at pagmamahal sa ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at May 06 2020 03:02 PM | Updated as of May 06 2020 03:32 PM

MAYNILA — Nagpakita ng kanilang suporta at pagmamahal sa ABS-CBN ang mga host ng “It’s Showtime” matapos itong pinatigil sa pag-eere sa bisa ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission.

Sa kani-kanilang Instagram account, ibinahagi nina Anne Curtis, Ryan Bang, Vice Ganda, Karylle, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Jhong Hilario, Vhong Navarro at Amy Perez ang kanilang mga saloobin sa malungkot na pangyayari sa Kapamilya network.

Pag-amin nina Vice at Ryan, nakakadurog ng puso ang pangyayari, pero giit ni Vice, hindi bibitiw sa pag-asa ang mga Kapamilya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.