TINGNAN: Jake Cuenca, nagpagupit para sa 'The Blood Sisters'

ABS-CBN News

Posted at May 06 2018 02:30 PM

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) on

Balik-telebisyon ang aktor na si Jake Cuenca bilang bagong miyembro ng cast ng teleseryeng "The Blood Sisters."

Ibinahagi noong Sabado ni Cuenca sa Instagram ang pagsali sa seryeng pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

Ipinakita rin ng 30 anyos na aktor sa Instagram post ang kaniyang bagong hairstyle na aniya'y para sa kaniyang "new leading lady."

"Not a throw back. I hear my new leading lady prefers short hair so it had to go," isinulat ni Cuenca sa caption.

Pero hindi pa malinaw kung anong papel ang gagampanan ni Cuenca, na huling napanood sa seryeng "Ikaw Lang Ang Iibigin" na nagwakas noong Enero.

Magugunitang kasama ni Cuenca sa "Ikaw Lang Ang Iibigin" sina Kim Chiu, Gerald Anderson at Coleen Garica.

Mapapanood ang "The Blood Sisters" mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-"TV Patrol."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.