PatrolPH

'Diretso na 'kong impyerno': Ador may patikim sa mga kasalanan sa 'Dirty Linen'

ABS-CBN News

Posted at May 03 2023 04:43 PM

Tila may patikim si Ador (Epy Quizon) sa pag-amin sa mga kasalanan ng mga Fiero sa latest episode ng "Dirty Linen" nitong Martes. 

Matapos i-kidnap nina Max (Christian Bables), hubo't hubad na lumayas si Ador at nagpahimasmas muna kasama si Olan (Joel Torre).

Habang umiinom, inaalala ni Ador ang mga naging kasalanan niya dahil sa mga Fiero.

"Kung tutuusin, marami akong ayaw maalala. Kung pwede ko lang burahin 'yung memorya ng isip ko gagawin ko eh, tungkol sa buhay ko rito sa El Hambra, tungkol sa pamilyang 'to," ani Ador.

"Ayoko lang mawala sa isip ko 'yung pamilya ko, 'yung asawa ko, 'yung mga anak ko, 'di ako papayag," dagdag pa niya.

Hindi man direktang sinabi ni Ador kung sino, inamin nito na marami na siyang naligpit na tao.

"Hindi ko masikmura 'yung pinagagawa sa 'kin ng pamilyang 'yan. Alam mo, diretso na ako sa impiyerno sa dami ng pinaligpit nila sa 'kin," aniya. 

"Marami, lasingin mo muna ako, malamang mamaya sasabihin ko sa'yo pero pagtapos nun papatayin kita," pabiro niyang tugon. 

Sa direksyon nina Andoy Ranay at Onat Diaz, mapapanood ang “Dirty Linen” weeknights sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.