SB19 itinanghal ang bagong kanta sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at May 03 2020 04:16 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SB19 Official (@officialsb19) on

MAYNILA — Inilunsad ngayong Linggo ng Pinoy pop group na SB19 ang bago nilang kanta sa pamamagitan ng pagtatanghal sa concert show na "ASAP Natin 'To."

Sa unang pagkakataon, ipinarinig ng SB19 — na binubuo nina Sejun, Josh, Stell, Ken, at Justin — ang bago nilang kantang "Ikako (Ikaw at Ako)" na layon umanong makapagbigay ng pag-asa sa gitna ng laban sa coronavirus disease (COVID-19). Katambal ng grupo sa performance si Iñigo Pascual.

Watch more in iWantTFC

Isinulat ng leader ng grupo na si Sejun ang kanta.

Nag-debut ang SB19 noong Oktubre 2018 sa pamamagitan ng kantang "Tilaluha" pero mas nakilala ang grupo sa ikalawang kanta na "Go Up."

Sinanay ang grupo ng ShowBT, isang Korean entertainment company.

Ang SB19 ang kauna-unahang Filipino group na napabilang sa Next Big Sound chart ng music publication na Billboard, na sumusubaybay sa mabilis na pagsikat ng mga artist sa mga music website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.