PANOORIN: Glaiza de Castro inawit ang theme song ng 'Itaewon Class'

ABS-CBN News

Posted at May 03 2020 12:28 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

MAYNILA -- Maging si Glaiza de Castro ay tinamaan na ng Korean drama fever.

Nag-post si De Castro sa kaniyang social media accounts noong Sabado ng video tampok ang pagkanta niya ng "Start Over" ng Korean singer na si Gaho habang tumutugtog ng gitara.

Ang naturang kanta ay theme song sa "Itaewon Class," isa sa mga sikat ng Korean drama ngayon, na pinagbibidahan ng heartthrob na si Park Seo-joon.

Sa caption, ikinuwento ni De Castro na inaral niya ang kanta dahil nagustuhan niya ang melody nito.

"Tried to learn a new song because I just love its melody. Made more emotional connection when I looked up its English lyrics," aniya.

"Shout out to all the resilient people out there like Saeroyi," dagdag ng singer-actress, na tinutukoy ang bidang karakter ng series na si Park Saeroyi.

Sinusundan ng "Itaewon Class" — na mapapapnood sa Netflix — ang kuwento ni Park Saeroyi, isang ex-convict na maghihiganti sa mag-amang responsable sa pagkamatay ng kaniyang ama at pagkakakulong niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.