Liza Soberano, tinaguriang 'most beautiful celebrity'

ABS-CBN News

Posted at May 03 2018 09:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kinilala ang aktres na si Liza Soberano bilang 'most beautiful celebrity' ng isang magasin.

Nanguna si Soberano sa "100 Most Beautiful Celebrities" ng YES! magazine.

Ayon sa managing editor ng magasin na si Anna Pingol, madali ang pagpili kay Soberano at popular choice din ito ng modeling at pageant community.

Dati nang sinabi ni Soberano na handa siya sakaling alukin ng opportunity sa pagmo-model.

Bahagi rin si Soberano ng farewell issue ng magasin na magsasara na ng print publishing matapos ang 18 taon.

Samatala, ang sexy actress na si Nathalie Hart ang napiling farewell cover girl ng isang men's magazine na magsasara na rin para lumipat sa online media.

Espesyal ito para kay Hart na umaarangkada ngayon ang showbiz career.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.