PatrolPH

Sharon Cuneta, nagpasalamat kay Cherie Gil

ABS-CBN News

Posted at May 02 2019 11:37 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Puno ng pasasalamat ang palitan ng mensahe nina Sharon Cuneta at Cherie Gil sa kani-kanilang social media account.

Dating nagsama ang dalawa sa sikat na pelikulang "Bituing Walang Ningning."

Sa post ni Sharon, nagpasalamat siya sa malaking tulong ni Cherie sa kanyang career.

Umaasa rin ang Megastar na magkikita muli sila ni Cherie.

Nag-post din si Cherie na nami-miss na niya si Sharon at marami pa silang dapat pag-usapan.

Bukod sa "Bituing Walang Ningning," nagsama rin sila sa mga pelikulang "Ngayon at Kailanman," "Kahit Wala Ka Na," "Sana'y Wala Nang Wakas" at marami pang iba.

-- Umagang Kay Ganda, Mayo 2, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.