Love life ni Sunshine Cruz, suportado ng mga anak

ABS-CBN News

Posted at May 02 2019 12:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Suportado ng mga anak ni Sunshine Cruz ang relasyon niya sa negosyanteng si Macky Mathay.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, aminado ang mga anak Sunshine na sina Angelina, Sam at Chesca na "father figure" ang tingin nila kay Macky.

Ayon sa tatlo, masaya ang kanilang ina sa pagiging malapit nila sa nobyo nito.

"She's happy naman that we are close, and we are close din po to his kids din po," ani Angelina.

"Sometimes nga nagsasabi si mommy na magkamukha na kami ni Tito Macky," dagdag naman ni Sam.

Ayon sa tatlo, sobra ang kanilang kasiyahan para sa kanilang ina.

"We are so happy for her na she finally found someone that really loves her," ani Angelina.

"Of course I'm happy for her because she's always in a good mood," dagdag naman ng bunsong si Chesca.

"Just as long as she's happy then we are happy po. Whenever Tito Macky is around, she's always put into a good mood," pagbabahagi naman ni Angelina.

Sina Angelina, Sam at Chesca ay mga anak ni Sunshine sa dati nitong asawa na si Cesar Montano.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.