Australian singer Troye Sivan 'at home' ang pakiramdam sa Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at May 02 2019 09:39 PM | Updated as of May 03 2019 12:23 PM

Balik-bansa ang Australian singer na si Troye Sivan para sa kaniyang concert, kung saan inihayag niyang pakiramdam niya'y "at home" siya rito sa bansa.

Idinaos sa Mall of Asia Arena noong gabi ng Martes ang concert ni Sivan, na bahagi ng kaniyang "The Bloom Tour."

Ginulat ni Sivan ang kaniyang mga tagahanga nang kumanta mula sa likuran ng venue.

Dumagundong ang Mall of Asia Arena sa hits niyang "Youth," "Bloom" at "Wild."

Matapos si Sivan, sunod namang inaabangan ang Manila concert ni Jason Mraz, na nagpasikat ng mga kantang "Lucky" at "I'm Yours."

--Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.