Mula sa social media accounts ni Donnalyn Bartolome
Hindi pinalampas ni Donnalyn Bartolome ang komento ng ilang netizens na tila pinipilit ang vlogger na magpakasal at magkaanak na.
Sa kaniyang Facebook page, sinagot ni Bartolome ang komento ng isang social media user sa throwback photo niya noong 17 anyos pa lamang siya.
Ayon sa netizen, “Mag-asawa ka na Dona mahirap tumanda mag-isa.”
Malaman ang naging sagot ng singer sa nasabing komento at sinabing mas mahirap kapag mali ang pinili na dalhin sa altar.
“Mas mahirap tumanda na mali ang pinakasalan,” sagot ni Bartolome na sinang-ayunan ng marami niyang followers.
Sa isa pang comment, sinabihan din siya na dapat na itong magkaroon ng anak dahil mahirap tumanda na walang supling.
“Mag anak ka na mahirap tumanda ng walang anak,” saad ng isa pang netizen.
Naging mahaba ang sagot ni Donnalyn na sinabing hindi dapat gawing retirement ang mga anak at obligahin ang mga ito na gawin ang responsibilidad na hindi naman kanila.
“Have children because you want to experience the joys of being a parent. Not with the intention of obligating them of responsibility that isn't theirs,” tugon ni Bartolome.
Hinakayat din niya ito na i-invest ang pera sa negosyo, sa kalusugan o life insurance.
“Ipapanganak mo anak mo sa mundong 'to para parusahan kasi ganun din naranasan mo? END THE CYCLE."
Sa huli, nagpayo rin ito ng iba pang opsyon kagaya ng pag-aalaga ng hayop lalo pa’t overpopulated na aniya ang Pilipinas.
FROM THE ARCHIVES:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.