Morissette, bibida sa isang Mother's Day concert

ABS-CBN News

Posted at May 01 2018 11:45 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang concert ang handog ni Morissette Amon para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina.

"Para po itong from a point of view of a daughter, child," ani Morissette.

Gaganapin ang concert sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna sa Mayo 12.

"May mga makakasama po ako rito. Hindi ko pa puwedeng i-reveal pero may makakasama," aniya.

Maliban sa local shows, magiging abala rin si Morissette sa pagpe-perform abroad.

Para sa mga manonood ng "Umagang Kay Ganda," inawit naman ni Morissette ang "Akin Ka Na Lang."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.