Judy Ann, masayang makatrabaho muli si Raymart

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2019 11:35 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Masaya si Judy Ann Santos na makatrabahong muli si Raymart Santiago.

Si Raymart ang leading man ni Judy Ann sa inaabangang serye na "Starla."

Dagdag ni Judy Ann, hanga siya sa galing ng aktor na una na niyang naging leading man sa pelikulang "Aishite Imasu 1941" na inilabas noong 2004.

Wala pa namang eksaktong petsa kung kailan mapapanood ang teleserye, pero ayon kay Judy Ann nasa shooting stage pa ang "Starla."

-- Umagang Kay Ganda, Abril 30, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.