PatrolPH

'Dirty Linen': Pagkamatay ni Olivia, nabunyag kay Alexa

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2023 03:36 PM | Updated as of Apr 28 2023 04:27 PM

Nabunyag na kay Alexa (Janine Gutierrez) na patay na ang kanyang inang si Olivia (Dolly de Leon) sa latest episode ng 'Dirty Linen' nitong Abril 27, 2023.
Nabunyag na kay Alexa (Janine Gutierrez) na patay na ang kanyang inang si Olivia (Dolly de Leon) sa latest episode ng "Dirty Linen" nitong Abril 27, 2023.

Nabunyag na kay Alexa (Janine Gutierrez) na patay na ang kanyang inang si Olivia (Dolly de Leon) sa latest episode ng "Dirty Linen" nitong Huwebes.

Sa kanilang pagtatago dahil sa pilit na pagtatambal sa kanila ni Sophie (Elisse Joson), nakuwento ni Aidan (Zanjoe Marudo) kay Alexa minsan na silang close ni Doña Cielo (Tessie Tomas) dahil sa pag-aalaga nito kasama si Yaya Olivia.

"Nakakalungkot lang na dati sobrang close namin ni Lola, halos lahat ng gusto ko, lahat ng hilingin ko, kahit ayaw pa ni Daddy, ibibigay niya. Magkakuntsaba pa sila ni Yaya Olivia noon eh para itago lang lahat. Hindi ko ba nakwento sa 'yo?" pagbabalik-tanaw ni Aidan.

"Si Yaya Olivia, siya 'yung pinakapaborito kong yaya nung bata ako kasi si Dad laging wala, si Mama wala rin, laging busy. Kaya 'yun siya laging nagbabantay sa 'kin, silang dalawa ni Lola. Lagi nila akong kinukunsinti sa lahat ng gusto ko," dagdag pa niya.

Nakuwento pa ni Aidan na minsan na silang tumakas ni Yaya Olivia para bilhan ng sapatos ang kanyang anak na si Alexa at nakita pa ito sa katauhan ni Mila.

"Wala, hindi lang siguro napapag-usapan 'tsaka malabo na lahat sa isipan ko ngayon, hindi ko na maalala 'yung iba. Parang nanay ko na 'yun kaya lang talagang hindi na malinaw sa isipan ko pero may isa talagang tumatak sa 'kin na 'di ko malilimutan," aniya.

"Sabi niya kasi bibilhan niya 'yung anak niya ng sapatos, ako pa nga 'yung pumili nun eh. Grabe, napalo ko kay Daddy nun eh, sobra akong pinalo dahil sa pagtakas namin na 'yun. Parang ganyan, may pagkakaiba lang nang kaunti." 

Tinanggi naman ni Aidan na nakita na niya noon si Alexa.

"Hindi eh, hindi ko kasi siya na-meet kahit kailan. Pero naalala ko lagi siyang binabanggit sa 'kin ni Yaya Olivia 'yung anak niya, lagi niyang nakukwento sa 'kin kasi lagi siyang umiiyak kasi nami-miss niya 'yung anak niya, hindi niya nakakasama," aniya. 

Tinanong ni Alexa kung nakakausap pa ba niya si Yaya Oliviao: "Nakikita mo pa ba siya o natatawagan? Nako-contact?" 

"Patay na siya eh," rebelasyon ni Aidan.

Hindi napigilan ni Alexa ang kanyang emosyon at tumakbo. Sinubukan siyang patahanin ni Aidan pero pinaalis niya ito dahil baka hinahanap na siya ng mga Fiero. 

Pagkauwi ni Alexa kina Olan (Joel Torre), hindi nito napigilang umiyak at hinatid ang balita.

"Alam ko naman na malaki 'yung posibilidad na wala na 'yung Mommy ko. Akala ko tanggap ko na 'yun eh pero nung sinabi sa 'kin ni Aidan para akong sinaksak sa puso," ani Alexa.

"Gusto kong sumigaw, gusto kong magtanong, gusto kong manumbat pero para akong naputulan ng dila. Aala akong masabi kasi ang totoo, natatakot akong malaman ang lahat ng kawalang-hiyaan ng mga Fiero sa nanay ko," dagdag pa niya.

"Mabait ang Mommy ko, 'Tay. Gusto lang niyang magtrabaho nang marangal. Gusto niyang magtrabaho para sa 'min ta's pinatay nila. Ni hindi man lang nila nirespeto para makabalik siya sa 'min nang maayos. Ano'ng kasalanan niya, Tay para gawin sa kanya 'yun? Ano'ng kasalanan ng nanay ko?"

Maliban sa Kapamilya Online Live, ang free livestreaming service ng ABS-CBN, mapapanood ang "Dirty Linen" weeknights sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, iWantTFC, at TFC.

PANOORIN ANG BUONG EPISODE RITO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.