PatrolPH

Chynna Ortaleza, itinangging may COVID-19 ang buong pamilya

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2021 01:16 PM

MAYNILA -- Itinanggi ng aktres na si Chynna Ortaleza ang balitang 'di umano ay nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang buong pamilya.

Sa kanyang post sa Twitter nitong Abril 24, iginit ni Ortaleza , misis ng bokalistang si Kean Cipriano, na walang katotohanan ang mga sabi-sabi.
 

"Sa mga nagsasabi po na may COVID kaming buong pamilya. Hindi po totoo.. Praise God!" pauna ni Ortaleza.

Giit ng aktres, hindi niya ito itatago.

"At huwag po kayo magalala kung meron man e ako pa ang magsasabi dahil ang pinaka-ayaw ko po e magtago ng importanteng impormasyon sa mga tao sa paligid dahil ang ayaw ko sa lahat e makahawa," dagdag ng aktres.

Matatandaang noong Abril 16 ay ibinalita ni Chynna na nabakunahan na siya laban sa COVID-19.


 
Nito lamang Nobyembre 2020 ay ipinagdiwang ni Ortaleza at Cipriano ang kanilang ika-5 anibersaryo bilang mag-asawa.

Noong 2017, kinasal sila sa isang church ceremony at ngayon ay may dalawa ng anak.

Related video: 

Watch more on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.