PatrolPH

Ai Ai delas Alas, may mga pangamba rin ngayong lockdown

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2020 04:05 PM | Updated as of Apr 27 2020 04:38 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

MAYNILA — Binigyang diin ni Ai Ai delas Alas ang halaga ng pamilya ngayong panahon ng krisis dala ng pandemikong sakit na coronavirus disease.

“Importante talaga 'yung family. Importante yung pagmamahalan,” ani Ai Ai, 55 anyos, sa panayam ng PEP sa telepono noong nakaraang linggo.

“Kasi ngayon, wala namang pinipili yung COVID-19, e. Mayaman, mahirap mamamatay ka,” ani Ai Ai.

“Hindi naman porke’t marami kang pera, hindi ka mamamatay, e. So, 'yun ang lesson sa akin,” dagdag nang tinaguriang Comedy Queen ng bansa.
 
Sa panahon ngayon, nakiusap si Ai Ai na magdasal, maging mabuti at sumunod sa pamahalaan. 

“Siguro let’s be nice na lang to everyone. Always pray, and kumbaga mag-ano na lang tayo sa desisyon ni Lord. Please, sana huwag na tayong magpasaway at sumunod na lang tayo sa gobyerno,” aniya.

Pag-amin ni Ai A,i tulad ng iba ay nangangamba rin siya dahil sa nangyayari ngayong pagsubok hindi lang sa bansa maging sa ibang panig ng mundo.

“Hindi naman natin alam na mangyayari ito, pero kahit papa'no masaya, kumpleto naman kami dito sa bahay. Pero siyempre, struggling din,” ani Ai Ai.

Dagdag ng aktres: “Ayoko namang magpaka-plastic, pero ang worry ko lang, baka may magkasakit sa amin na isa. Kasi 'yun ang worry ng lahat. Tapos baka magkahawahan.”

Ayon kay Ai Ai, hiling niya na matapos na ang krisis at magbalik na sa normal ang lahat. Kaya pakiuap ng aktres: “Yung mga pasaway, sana huwag na silang magpasaway para matapos na. Siyempre kasi lahat tayo gusto nating magtrabaho. Hindi naman tayo sanay na umaasa lang tayo sa gobyerno. And I think, the upper middle class, hindi rin naman nabibigyan [ng parehong ayuda]. So, sana, 'yung mga nakakatanggap, huwag na silang magpasaway. Stay at home na lang [para] matapos na rin ito at bumalik na tayo sa normal. And tayong mga ibang nasa middle class, makapagtrabaho na at bumalik na sa normal.”

Ayon kay Ai Ai, balik-trabaho na siya sa oras na matapos na ang ipinatutupad na quarantine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.