‘Sobrang nostalgic’: Jodi excited sa throwback rerun ng seryeng ‘Tabing Ilog’

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2019 04:42 PM | Updated as of May 04 2019 04:32 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria) on

Magsisimula na sa Lunes ang pagbabalik Primetime Bida ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa seryeng "Sino ang May Sala?: Mea Culpa."

Pero pag-amin ni Sta. Maria, bukod sa bagong proyekto, isa sa pinakakinakikiligan niya ay ang balitang throwback rerun ng hit serye nila noong "Tabing Ilog."

"Sobrang nostalgic, kasi naalala ko sina John Lloyd (Cruz), sina Baron (Geisler), lahat ng cast and nae-excite ako kasi 'yung generation na hindi nakaabot ng Tabing Ilog before, mapapanood nila ngayon," sabi ng aktres.

Bukod kina Sta. Maria, Cruz, at Geisler, parte rin ng cast ang mga noo'y bata pang aktor na sina Kaye Abad, Paula Peralejo, Patrick Garcia, Desiree del Valle, at Paolo Contis.

Ipinalabas ang serye noong 1999 at tumagal hanggang 2003. Hinahalintulad ito sa tanyag noong American series na "Dawson’s Creek."

Sabi ni Sta. Maria, bukas siya sa pagkakaroon nila ng reunion project ng kaniyang mga "Tabing Ilog" co-stars.

"Why not diba, that would be fun, riot yun," sabi ni Sta. Maria.

Mapapanood ang rerun ng "Tabing Ilog" sa streaming app na iWant.

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.