PatrolPH

Robi Domingo tumugtog ng piano para sa birthday ng girlfriend

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2020 12:26 PM | Updated as of Apr 26 2020 12:59 PM

May nakakakilig na sorpresa ang Kapamilya host na si Robi Domingo para sa kaarawan ng kaniyang girlfriend.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo) on

Nitong hatinggabi ng Linggo, nag-post si Domingo sa kaniyang social media accounts ng video tampok ang pagtugtog niya sa piano ng "Happy Birthday" at "Can't Help Falling In Love" ni Elvis Presley.

Sa caption, binati ni Domingo ng 'happy birthday' ang girlfriend na si Maiqui Pineda, at pinasalamatan din sa pagiging "inspiration" at "happiness" niya.

"Every time I wake up, I get my phone and I see a message from you simply saying, 'Hi.' Whenever that happens, please know that you have already made my day," sabi ni Domingo.

"Thank you for being my inspiration and my happiness. Even though we are far from each other, my heart will always be yours," dagdag niya.

Taong 2017 nang magkakilala sina Domingo at Pineda sa taping ng annual ABS-CBN Christmas special, pero hindi malinaw kung kailan sila nagsimulang maging magkarelasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.