PANOORIN: Mga nakakatawang regalo ni Jessy kay Luis

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2019 03:52 PM | Updated as of Apr 26 2019 03:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Love is in the air sa "Minute To Win It" sa pagdiriwang ni Luis Manzano ng kanyang kaarawan kasama ang nobyang si Jessy Mendiola.

Nitong Huwebes, maliban sa isang halik ay may mga nakakatawang regalo si Jessy kay Luis na nagdiwang ng kanyang ika-38 kaarawan noong April 21.

Isang nail cutter at mga underwear ang sorpresa ni Jessy sa kanyang nobyo na aniya ay magagamit nito araw-araw. 

"Ang tanong, ito ba ay ginagamit ko araw-araw o gusto mong suotin ko araw-araw?" biro ni Luis kay Jessy.

"Nail cutter dahil ako ay adik na adik sa pagkakalikot sa aking kuko, kaya ito ang mga regalo sa akin ni Howhow (Jessy)," dagdag niya.
 
Nagbigay din ng kanyang mensahe si Jessy kay Luis para sa espesyal na araw nito.

"Ang wish ko lang sa iyo, sana ay palagi kang masaya and palagi kang healthy. Kasi araw-araw ay nagdadala ka ng saya sa lahat ng tao at pati sa akin, siyempre. So sana ay lagi ka lang happy kasi ikaw ang nagpapasaya sa aming lahat," aniya.

Sagot naman ni Luis: "At 'yung kasiyahan na naibibigay ko sa mga tao araw-araw ay dahil din sa kasiyahan na ibinibigay mo sa akin."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.