Vina, balik-teleserye bilang kontrabida

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2018 12:33 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Bagong papel na gagampanan ni Vina Morales ang kontrabida na si Celestina de Alegre sa bagong panghapon na serye na "Araw Gabi."

Na-shock ang lahat sa ipinakitang teaser kung saan revealing ang mga suot ni Vina at may mga naka-swimwear.

Love interest ni Vina ang nakababatang aktor na si Victor Silayan na biniro ni Vina sa media conference para sa serye.

"Actually boytoy ko siya. Marami na po kami eksena together. Medyo nahirapan ako because I'm not used to these kinds of mga scenes. Alam mo naman mga taste ng ginagawa ko before medyo conservative ng konti. (Ngayon) I have a lot of swimsuits, tapos may mga bed scenes," ani Vina.

Hindi man sanay sa sexy scenes si Vina, nagtutulungan sila ni Victor para magmukha itong kapani-paniwala. "Si direk kung ano-ano pinapagawa sa amin, nakaka-stress kasi siyempre first time ko to work with Victor," ani Vina.

"Sa Filipino culture natin ginagalang natin mga mas nakakatanda sa atin. But Ms. Vina makes it easy to work with. She is a very beautiful actress and a very generous actress, she makes it very easy," pahayag naman ni Victor.

Looking forward na si Vina sa magiging reaksiyon ng mga manonood sa bago niyang karakter na malayo sa mga nagawa na niya noon.
 
"I'm vey excited and also nervous but I know all our directors will take care of us," ani Vina.

Magsisimulang mapanood ang "Araw Gabi" sa Lunes, Abril 30, sa Kapamilya Gold.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.