Dating sexy star Ramona Revilla, mommy na ng triplets

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2018 12:14 PM | Updated as of Apr 25 2018 12:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Naaalala niyo pa ba ang dating sexy star na si Ramona Revilla?

Lumaki sa Romblon si Ramona na nagtungo sa Maynila para tuparin ang pangarap na maging artista. Sa paggabay ng kanyang ina, nakaipon at nakapundar si Ramona.

Matapos iwanan ang showbiz ay nagtungo sa Amerika ang aktres at doon nakilala ang asawang si Fred Farrell, isang US naval engineer.

Noong 2013, isinilang ni Ramona ang kanilang triplets na puro babae.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ipinakilala ni Ramona sa publiko ang kanyang mga anak na sina Fersiana, Freohsyl at Frederie.

"Magkakaiba ang mga ugali nila. This one (Fersiana) ate ito. Bossy ito. (Freohsyl) she's acting really like's she's a baby and Frederie mahiyain 'yan... they really care for each other," aniya.

Binalikan din ni Ramona ang karanasan habang pinagbubuntis ang mga anak.

"Noong before ako mabuntis, I was so active, lagi akong naggi-gym. Sabi ko kaya ko ito. But when I found out na triplets, my doctor suggested, 'Are you sure kakayanin mo ito?' We decided, my husband and I talked that night, I said, 'We are going to do this.' Dapat check-up lang 'yun nung doctor, sabi ng doctor, 'I guess lalabas na.' ... Two days in labor. After two days gusto na nilang lumabas. With the miracle of God naging okay lahat," ani Ramona.

Kahit hindi madali ang pagkakaroon ng triplet, napapagaan ito sa tulong ng kanyang asawa.

"Ang hirap sa States, walang yaya pero masaya. But I have a good husband too, tumutulong siya talaga," ani Ramona.
 
Nasa bansa ngayon si Ramona at kanyang mga anak para magbakasyon.