Daniel Padilla, may nakakakilig na mensahe para kay Kathryn

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2020 12:10 PM | Updated as of Apr 24 2020 12:24 PM

MAYNILA — Isang nakakakilig na mensahe ang ibinahagi ni Daniel Padilla para sa kanyang kasintahan na si Kathryn Bernardo.

Sa “Magandang Buhay” nitong Biyernes, Abril 24, para sa pagdiriwang ng kanyang ika-25 kaarawan, ibinahagi ng birthday boy na si Daniel ang kanyang mensahe para kay Kathryn.

Watch more in iWant or TFC.tv

“Kay Kathryn, gusto ko siyang pasalamatan sa lahat nang paggabay sa akin, sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin, sa suporta na ibinibigay niya sa akin, you know, my partner in life. Thank you at hindi ako nagkamali, never akong nagsisi sa desisyon na ginawa ko for you. And I’m always here for you Bal (Kathryn) para suportahan ka rin sa lahat ng mga pangarap mong gawin. Pangako na mahalin ka sa mga panahon na malungkot ka o may pinagdadaanan ka. Wish ko para sa ating dalawa ay dumi-diretso na tayo hanggang sa katapusan,” ani Daniel.

Sa programa, ipinadama ni Daniel ang pagmamahal sa kasintahan sa pagbabahagi ng mga magagandang katangian ng aktres.

“Natututo ako at nag-go-grow kami. Nag-fi-feed kaming dalawa sa knowledge na mayroon kami. Nagtutulungan lang kaming dalawa,” ani Daniel. “Talagang she makes me a better person.”

Nang matanong kung ano ang sekreto ng kanilang relasyon, sagot ni Daniel: “I think it’s the respect towards your partner. Isa sa pinakaimportante ay ang respeto sa isa’t isa. Wala namang perfect na relationship kaya kapag nagkakaproblema siguro pinipili namin to stay, every time. Kapag nagkakaproblema kami lagi kong binabalikan all the things na ginawa ni Kathryn para sa akin, hindi lang 'yung nangyaring problema ngayon. I always look back kung paano binago ni Kathryn ang buhay ko, ano ang natutunan ko sa kanya at sino ba siya bilang my partner in life.”

Dagdag ni Daniel: “Laging ganun, kasi I think nag-co-complement kasi nirerespeto ko ang mga desisyon niya, nirerespeto niya ang mga desisyon ko. It’s a give and take, give ang take ang relationship, hindi puwedeng umiikot sa isang tao, yun siguro yon.”

Nang matanong ulit kung ano ang kanilang dream wedding ni Kathryn, sagot ni Daniel: “Ang dream wedding naman namin pareho is beach wedding. 'Yun I think it’s important na alam mo lang 'yung mga ganung bagay sa partner mo, mas lumalapit na sa realidad 'yung mga ganung bagay. I think we have to plan now, di ba?”
 
Nitong Biyernes, hindi nagawang maging parte ni Kathryn sa pagdiriwang ng kaarawan ni Daniel sa “Magandang Buhay” matapos na sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa hinihinalang allergy.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.