Pepe Herrera, nagpaabot ng pasasalamat kay Toni Gonzaga

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2021 12:13 PM

MAYNILA -- Nagpaabot ng kanyang pasasalamat ang aktor na si Pepe Herrera sa aktres na si Toni Gonzaga na nagpadala ng mga halaman bilang regalo para sa kaarawan ng aktor nitong Abril 21.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pepe Herrera (@pepe.herrera)

"Masaya siya sa tunog ng gitara, drums, piano at bamboo flute. Mahilig siya sa tugtugan na pangsayaw. Mahilig siya sa mga halaman at sa mga hayop. Palagay ko anak ko talaga siya," pauna ni Herrera patungkol sa kanyang anak.

"Maraming salamat muli mga kaibigan sa inyong mga pagbati. Pasensya na po kung hindi ako makapagreply isa-isa. Salamat sa unawa. Maraming salamat din sa lahat ng nagbigay ng regalo. Tinag ko po sila baka sakaling magustuhan niyo din ang kanilang mga produkto. Isang mahigpit na yakap po ang aking pinapaabot sa inyo at sa lahat ng makakabasa nito. Mapayapang gabi po sa inyong lahat," dagdag ni Herrera.

"P.S. Maraming salamat @celestinegonzaga para sa mga halaman. Natupad na 'yung pangarap ko na maging gubat yung bahay ko. Para sa posibleng mag-alok sa akin ng remake ng Starzan or Chitae, I am preparing na po," ani Herrera.

Si Herrera ang leading man ni Gonzaga sa Pinoy remake ng sikat na South Korean film na "My Sassy Girl."

Nagsimula bilang aktor sa teatro, nakilala si Herrera sa kanyang pagganap bilang si Benny sa serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin. 

Related video:

Watch more in iWantTFC