PatrolPH

Dimples Romana, may mensahe sa kaibigang si Angel Locsin

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2020 11:12 AM

MANILA — Ibinahagi ni Dimples Romana ang kanyang mensahe para sa kanyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Huwebes, Abril 23. 

Sa Instagram, ibinahagi ni Dimples ang kabutihan ni Angel na aniya ay marami ang hindi nakakaalam. 

Maliban sa pagiging mabait at matulungin, isang tapat na kaibigan si Angel, ani Dimples.

"Naghanap ako ng photos that best describe you as a person to me and to my family and came up with these two photos. Si Alonzo 'to. I remember this first photo very vividly dahil eto 'yung pumunta ka sa bahay kasi sabi mo, kailangan na namin mag-date ng asawa ko kaya ikaw na muna kay Alonzo. Umalis kami at naiwan ka sa bahay," bungad ni Dimples.

"Alam ng lahat kung gaano kita mahal. Sa totoo, sa pagkakaibigan natin, I never remember you are the superstar that you are because not once did you ever make me feel inferior. You are always kind to everyone. Hindi ka namimili, hindi ka nanghuhusga. Ang nakikita nila ngayon ay lahat ng pagtulong mo para sa napakaraming pamilya. Kung nakita nila lahat ng nakita kong ginawa mo sa iba pang tao, mas lalo ka pa nilang mamahalin," patuloy ni Dimples.

"Pero kasi ikaw, hindi mo iniisip 'yun eh. Ang gusto mo lang lagi tutulong ka. Ang gusto mo 'yung walang nakakaalam. Pero alam ko, dahil nakita ko. Nandun ako kadalasan. If more people knew just how genuine and how loyal you are as a person, as a friend, they will understand kung bakit ganun na lang ang pagmamalaki ko sa 'yo,” ani Dimples.

At para sa espesyal na araw ni Angel, hiling ni Dimples na makapagpahinga rin ang kaibigan. 

“Sana sa kaarawan mo ngayon, makapagpahinga ka, makatulog ka ng maayos at mahaba, makakain ka ng gusto mo, that you’ll have more years to make more memories with us... that you’ll be able to help more people and be able to continue shining your light to everyone who needs you,” ani Dimples. 

Sa huli, nagpasalamat si Dimples sa pagkakaibigan nila ni Angel na aniya ay laging nandiyan hindi lang para sa kanya kung hindi sa buo niyang pamilya.

“Thank you for the friendship and for being that person I can call with no hesitation each time my life encounters roadblocks. Wala akong picture when I texted you last year while I was taping for KG ('Kadenang Ginto'). Hindi pa ako makaalis, and Boyet had to be rushed to the ER again for the nth time because of his bleeding. I messaged you at 11:30 p.m. and at 12 (midnight) my husband texts me, Darna is here. I remember feeling a sigh of relief knowing na kahit hindi pa ako makaalis ng trabaho to be with Boyet, I had someone there who I can rely on for strength and support. Galing akong taping, I met up with you sa ER and you were like that Angel that you truly are, being with us along the way. Hindi ka natulog kasi pinatulog mo ako dahil alam mong galing akong trabaho. You took care of Boyet, you took care of me,” ani Dimples.

Sa comment section naman ng post ni Dimples ay nagpaabot din si Angel ng pasasalamat sa naging mensahe ng kanyang kaibigan.

“Mars, between the two of us, you’re always always the bigger person and I’m so grateful for having you in my life. Ikaw nga di ba ang totoong superwoman. I love you and will always love you,” ani Angel.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.