Barbie Imperial at Paulo Angeles, bagong tambalang kakikiligan

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2019 12:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang bagong tambalan ang kakikiligan. Ito ay ang love team nina Barbie Imperial at Paulo Angeles na miyembro ng grupong Hashtags.

Magsasama ang dalawa sa digital project na "Taiwan That You Love."

Ipinasilip na sa Instagram nitong Lunes ang kanilang naging look test para sa nasabing proyekto.

Matatandaang unang nagtambal ang dalawa sa episode ng "Maalaala Mo Kaya." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.