Jed Madela, may bagong album, concert para sa ika-15 taon sa showbiz

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2018 11:29 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Excited na ibinahagi ng Kapamilya singer na si Jed Medela ang kanyang pagbabalik sa reality talent show franchise na "Your Face Sounds Familiar Kids."

Kung judge noon si Jed sa unang dalawang season ng palabas, mentor naman ngayon si Jed at hands-on sa pagtuturo ng celebrity contestants. 

"Ngayon, busy tayo sa 'Tawag Ng Tanghalan,' 'ASAP' every Sunday. Tapos may tini-tape kami ngayon," ani Jed.

Pinagkakaabalahan din ni Jed ang pagbuo sa isang espesyal na album para sa 15 years niya sa showbiz industry.
 
"Nag re-record ako ngayon ng bago kong album in line with my 15th anniversary. So this year is going be busy," ani Jed.

At ang ultimate ganap sa kanyang 15th anniversary ang isang concert na ia-announce ang detalye very soon.

"Unang una, iniipon namin 'yung team. And 'yung team na makakatrabaho ko sa concert na ito kailangan, magka-level kami ng mga gusto siyempre and mindset. Lalong-lalo na itong concert, na ito kasi major concert, malaking vene kaya talagang pinaghahandaan namin," ani Jed.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.