Kisses Delavin namaalam muna sa social media para sa concert

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2019 08:27 PM | Updated as of Apr 23 2019 09:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pansamantalang namaalam sa social media ang aktres na si Kisses Delavin.

Nag-deactivate ng kaniyang Instagram at Twitter accounts si Delavin para matutukan ang mga paghahanda sa kaniyang solo concert.

"Hinabaan po 'yong mga rehearsal days, 'yong mga rehearsal hours pinahaba so ngayon mas may time ako para ibigay 'yong best ko," sabi ni Delavin sa panayam ng ABS-CBN News.

Tila hindi rin nababagabag si Delavin sa isyung hiwalayan ng pagtatambal nila ni Donny Pangilinan.

May ka-love team man o wala, alam daw ni Delavin na sapat na siya sa kaniyang sarili.

Pinamagatang "A Life Full of Kisses," idaraos ang concert ni Delavin sa Music Museum sa Abril 25.--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.