'Tawag' judges bumilib sa bersyon ni Keifer Sanchez ng 'Anak'

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2017 06:59 PM

Pinabilib ni Keifer Sanchez ng Davao ang mga hurado ng "Tawag ng Tanghalan Kids" matapos niyang kantahin ang isang madamdaming bersyon ng "Anak" ni Freddie Aguilar. 

Binigyan si Sanchez ng score na 95.4%, mas mataas sa nakuha ng kanyang daily challenger na si Maria Kristianna Trinidad. Ito na ang pangatlong sunod na panalo ni Sanchez sa "Tawag." 

Ayon kay Sanchez, maliban sa nais niyang tulungan ang kanyang mga magulang, sumali siya ng "Tawag ng Tanghalan Kids" dahil gusto niyang makita ang sarili niyang kumakanta sa telebisyon. 

Babalik siya sa talent contest sa Lunes upang depensahan ang kanyang titulo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.