MAYNILA -- Binalikan ni Vivoree Esclito ang naging panunukso sa kanya noon dahil sa kanyang pagiging balbon.
Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, tinanong ang aktres kung paano siya naging matapang at nagawang malampasan ang mga hindi magagandang naririnig noon.
"It's a process talaga for me. Matagal ko pong tinanggap at minahal ang sarili ko ng buo," pag-amin ni Esclito.
Aniya, natutunan niya rin na mahalin at protektahan ang sarili.
"As I grew older, nag-mature ako, nag-iba 'yung pag-iisip ko. Kumbaga ako mismo 'yung nagli-lift din sa sarili ko with the help of the people around me. Importante kasi na you surround yourself with people who will accept you for who you are, who will understand you, who support you, who will love you completely. Nakatulong din po 'yon sa akin," ani Esclito.
"At lagi kong iniisip na nandito ako, inilagay ako ni Lord dito for a purpose, for reason and that is to inspire people. And that is to make them feel seen, feel heard. If kilala mo ang sarili mo, if tanggap mo ang sarili mo, walang kahit ano o walang kahit sino ang makakapag-bring down sa iyo," dagdag ng aktres.
Kamakailan lang ay inilabas ni Esclito ang kanyang pinakabagong awiting "Matapang."
Kaugnay na video:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.