Kim Chiu emotional during b-day celebration

by Bernie Franco, ABS-CBN.com

Posted at Apr 19 2010 07:02 PM | Updated as of Apr 20 2010 03:02 AM

MANILA, Philippines - Ma-emosyunal ang panayam kay Kim Chiu ni KC Concepcion sa kanyang portion na KCX (KC Exclusives). Sa VTRs ay ipinakita ang mga mahal sa buhay ng aktres kung saan ipinaabot nila ang kanilang birthday greetings sa unang Pinoy Big Brother Teen Big Winner sa kayang ika-20 anyos na kaarawan.

“Hindi ko in-expect na hanggang ngayon 20 na ako, nandito pa rin ako sa showbiz and binibigyan pa rin ako ng maraming opportunities,” sagot ni Chiu nang tanungin ang pinakamalaking blessing sa kanyang buhay.

Sa apat na taon ni Chiu sa showbiz ay apat na matatagumpay na teleserye na rin ang nagagawa niya kabilang ang Sana Maulit Muli, My Girl, Tayong Dalawa at ang kasalukuyang primetime teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo. Bukod pa rito ang ilang notable movie projects at kaliwa’t kanang endorsements.

Hindi raw inakala ng young actress na maaabot niya ang kasikatan niya ngayon at napaluha pa siya nang balikan ang kanilang buhay dati. “Isa lang ‘yun sa mga pangarap ko (ang sumikat). Hindi naman kami ganoon kayaman dati.Gusto kong tumulong sa pamilya ko pero wala, hindi ko alam kung paano. Pero ngayon sa pag-aartista sobrang madali ang buhay so dapat mahalin ang trabaho.”

Patuloy man sa pagtulong ni Chiu sa kanyang pamilya pero ngayon ay nakakamit na rin niya ang pangarap para sa sarili, ang pagpapatayo ng kanyang doll-house inspired two-storey house.

“’Yon ‘yung nilu-look forward ko, ‘yung dream house ko ayun matutupad na siya lahat ng pagod. Kasi ever since wala talaga kaming bahay ‘yong totoong matatawag naming bahay,” aniya.

Pagdating naman sa dream role, nais raw ni Chiu na gumanap bilang sirena o kaya nama’y ay isang teleserye kung saan gaganap siya ng tatlong character. Natsa-challenge daw siya sa pagkakaroon ng higit pa sa isang role sa isang proyekto.