Boy Abunda not threatened by new celebrity talk shows

by Julie Bonifacio, ABS-CBN.com

Posted at Apr 19 2010 12:03 PM | Updated as of Apr 19 2010 08:05 PM

MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng aming panayam sa “The Buzz” host na si Boy Abunda ay kinuha na rin namin ang kanyang reaction sa tumapat na showbiz talk show na ngayong ay hosts ang dating Buzz hosts na sina Ruffa Gutierrez at Cristy Fermin.

Hindi ba sila natri-threaten?

“Hindi,” madiing sabi ni Abunda. “Galing sa puso ko. I will not answer questions about Cristy. I will not because it’s not the right time and kaibigan ko ‘yan ng matagal na panahon. At that’s why I refuse to answer questions regarding her. Ayoko talagang makipag-away.”

Dagdag pa ni Abunda: “Hindi naman, the threat question is matagal na tayo dito sa industrya. I’ve been hosting for 16 or 17 years straight. I mean from the bottom of my heart when I said the world can accommodate 3, 4 or 5 shows, okay. Marami na tayong napasabay na palabas. Minsan nananalo, minsan natatalo. We don’t go on stage thinking are we threatened? Hindi talaga.”

Kahit daw mismong show nila ay threat sa kanilang trabaho.

“(Because) you have to top your show every time you go on stage,” sabi pa ni Abunda.

“We’ve reached the point when, I think, everybody has a right to work. Bawat isa sa atin ay may karapatang mag-trabaho and I think the 94 million Filipinos can accommodate 3, 4, or 5 shows. And the best thing, from a management point of view, lalo na ngayon ang aking thesis, I’m finishing my Masteral degree, Masters na ako by May. You know when you talk about communications you also talk about choices, So, when you do more shows you offer more choices, ‘di ba,” tapos ni Abunda.