'Big Brother' may mensahe sa paggunita ng Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2019 10:08 AM | Updated as of Apr 18 2019 10:15 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang makabuluhang mensahe ang ibinahagi ni Pinoy Big Brother o Kuya sa "Pinoy Big Brother: Otso" nitong Miyerkoles para sa paggunita ng Semana Santa.

Tampok ang mga tagpo ng tagumpay at pagsasakripisyo ng teen housemates, ibinahagi ni Kuya ang saloobin tungkol sa sakripisyo at pagbabago. 

"Ngayong panahon ng Semana Santa ay panahon ng pagninilay-nilay, panahon ng pagsasakripisyo at higit sa lahat panahon ng pagbabago. Tayo ay magbalik-tanaw sa ating mga pinagdaanan at nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang matuto," ani Big Brother o Kuya.

"Mula sa amin at ng mga housemates, hangad namin ang isang makabuluhan at mapayapang Semana Santa para sa inyo," dagdag ni Kuya.