SILIPIN: Awra, ipinapagawa ang bahay sa Las Pinas

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2017 05:41 PM

MANILA -- Matapos ang kanyang pagkapanalo sa "Your Face Sounds Familiar Kids," pinakita ni McNeal "Awra" Briguela sa "Rated K" ang kanyang pinapagawang bahay sa Las Piñas.

Nitong Linggo, maliban sa pagbahagi ng plano sa kanilang bahay, ay pinasilip din ni Awra ang ilang parte ng kanilang tahanan kabilang ang kanilang kwarto.

"Marami pa pong hindi tapos. 'Yung kwarto sa taas, aayusin din," ani Awra.

Ibinahagi din ni Awra sa "Rated K" host na si Korina Sanchez ang isa pa niyang pangarap na bumili ng bagong bahay na may swimming pool.

"Ang pangarap ko po talaga ay makabili ako ng bahay na may swimming pool para po kung sakaling magsu-swimming kami, [kaysa sa pupunta kami saan] e 'yun nandiyan na 'yun," ani Awra.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.