PANOORIN: Sylvia Sanchez, 49, nagpasiklab sa Chinese garter

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2021 08:47 PM

PANOORIN: Sylvia Sanchez, 49, nagpasiklab sa Chinese garter 1
Screenshot mula sa vlog ng Squad Plus

Hindi inurungan ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez ang hamon nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, at Seth Fedelin ng “Squad Plus” na maglaro ng isa sa mga kilalang larong Pinoy na Chinese garter. 

Sa bagong vlog na inilabas ng grupo, inimbitahan nina Diaz at Brillantes ang mga kasamang aktor sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” na sina Sanchez, Dominic Ochoa, Matet de Leon, Mylene Dizon, Eula Valdez, at Nonie Buencamino upang maglaro. 

Unang sumalang sa laban ang koponan ni Brillantes kung saan nagpakitang gilas agad ito kasama ang onscreen partner na si Fedelin at Dizon, 44.

Nagbigay kwela naman sa kanilang grupo si Ochoa na bagamat hindi magaling sa laro ay kinaaliwan ng mga artista. 

Sa huli, napagmalas ng husay sa pag-tumbling si Dizon at Brillantes upang malagpasan ang hanggang ulo na taas ng garter. 

Watch more on iWantTFC

Ngunit, humanga ang lahat nang si Sanchez na ang naglaro dahil sa taas nitong tumalon sa kabila ng kaniyang edad. 

Sa una’y nakipagsabayan pa sina De Leon at Diaz sa beteranang aktres ngunit nang umabot na sa dibdib ang taas ng garter ay tanging ito na lamang ang nakatalon nang maayos. 

“Pag na-injure itong si Ate Ibyang (Sanchez), hindi tayo makakakain,” biro pa ni De Leon. 

Walang nagawa ang mga kasamahan ni Sanchez kundi palakpakan na lamang ito. 

“Sorry ha,” pang-aasar ng aktres sa mga kalaro. “Sorry pero batang Mindanao to.”

Magkakasama sa lock-in taping ang mga nasabing artista dahil sa “Huwag Kang Mangamba” na mapapanood araw-araw sa Kapamilya channel, Kapamilya Online Live sa Facebook, TV5, iWantTFC, at TFC.

RELATED VIDEOS:

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC