PatrolPH

KZ Tandingan, ibinahagi ang natutunan sa lockdown

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2020 11:18 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KZ (@kztandingan) on

MAYNILA — Ngayong mayroong enhanced community quarantine dahil sa banta ng coronavirus disease, napagtanto ni KZ Tandingan ang halaga ng oras na kasama ang mga kaibigan, pamilya at mahal sa buhay.

Aniya, ang tunay na kaligayahan ay hindi nabibili ng pera.

“Na-remind ako na sa mga ganitong panahon, the most important things are those that can’t be bought with money talaga. Alam natin ‘yon," ani KZ sa “Lunch with the Stars Live! sa Facebook nitong Martes, Abril 14, kung saan nakasama niya rin ang kapwa Cornerstone artists na Jason Dy at Jaya.

Aminado ang singer na "addict" siya sa trabaho para na rin mag-prepare para sa kinabukasan.

"Parang magkakasakit ako kapag ‘di ako nagwo-work sa isang week. Hindi ba ang trabaho natin ay hindi stable? So hanggang may nakukuha akong trabaho, I always make sure na tatanggapin ko siya hanggang kaya ko. Kaya palagi kong sinasabi buti na ‘yung ngarag kaysa nganga, work lang ako nang work hanggang mayroon," aniya.

Dahil dito, inamin ni KZ na "nakakalimutan ko pala na mas mag-spend time, kausapin ang family ko." 

"Minsan kami ni TJ (Monterde) ‘di kami nagkakaroon talaga ng time na nakakapag-usap ng seryoso sa mga bagay-bagay,” dagdag ni KZ.

Ayon kay KZ, ang mga nangyayari ngayon ay isang paalaala na kailangang pahalagahan din ang kasalukuyan.

“Ngayon ka nare-remind na hindi rin pala masyado maganda ‘yung masyado kang forward thinker kasi nakakalimutan mo na i-enjoy ang present. Ngayon ko siya nare-realize na whatever I earned, hindi ko naman nagagamit today. Masaya pala ako na nakakausap ko ‘yung mga tao na importante sa akin. Mas importante pala ‘yon for me than the money I’m earning. Siyempre importante ‘yon, pero iba pala ang yaman ng pamilya at mga kaibigan,” ani KZ.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.