Catriona Gray bukas mag-audition bilang Darna

ABS-CBN News

Posted at Apr 15 2019 08:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bukas si Miss Universe 2018 Catriona Gray na mag-audition sa bidang role sa superhero movie na "Darna."

"Acting is a field that I have not yet had any experience in but I am a very eager learner," sabi ni Gray sa mga mamahayag nang tanungin kung payag ba siyang mag-audition bilang Darna.

"If the opportunity ever came to audition for a certain role, I would very much be open to it," aniya.

Ilang araw nag-break sa Maynila si Gray para sa ilang commitment gaya ng pagkikita nila ng Miss Universe partners na sina Chavit Singson at anak na si Richelle Singson Michael.

Inanunsiyo nitong buwan ni Liza Soberano na umatras na siya sa pagbida sa "Darna" matapos madurog ang bahagi ng buto sa kaniyang hintuturo.

Mayo 2017 nang tanggapin ni Soberano ang papel bilang Darna, kapalit ni Angel Locsin.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.