DZMM Teleradyo, papalakasin ng Bandila at iba pang current affairs shows

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2017 04:41 PM

MANILA -- Mapapalakas pa ang paghahatid ng balita at serbisyo publiko sa DZMM TeleRadyo sa pag-arangkada ng mga dekalibreng news at current affairs programs ng ABS-CBN, sa pangunguna ng “Bandila” kasama sin Karen Davila, Ces Oreña-Drilon at Julius Babao simula Lunes (Abril 17).

Mapapanood din ang mas maagang edisyon ng “Bandila” sa ika-10 ng gabi sa DZMM TeleRadyo, na nagdiriwang ng ika-10 anibersaryo sa telebisyon ngayong taon. 

Tuloy pa rin ang LIVE airing ng “Bandila” sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng “Tonight With Boy Abunda,” dala ang bagong impormasyon sa mga isyu at iba pang nagbabagang balita. 

Ang iba pang programang mapapanood na ngayon ng mas marami pang Pilipino sa pamamagitan ng DZMM TeleRadyo, na isa sa mga libreng channel sa ABS-CBN TVPlus, ang “Rated K” ni Korina Sanchez-Roxas, “Matanglawin” kasama si Kim Atienza, “Ipaglaban Mo” nina Atty. Jose Sison at Atty. Jopet Sison, “S.O.C.O.” kasama si Gus Abelgas, at ang documentary series na “Mukha.'

Patuloy na pinapalakas ang mga programa sa flagship AM radio station ng ABS-CBN na handang magbantay at maghatid ng impormasyon at balita ano mang oras para sa Pilipino.

Samantala, nasa ika-limang yugto na ang patuloy ang paghahatid ng saya at public service ng proyektong “DZMM Kapamilya Day” sa mga komunidad sa Metro Manila at Mega Manila. Layunin ng proyekto na lalong mapalapit ang mga programa at DZMM Teleradyo anchors sa kanilang mga tagapakining at tagapanood, upang malaman mula mismo sa kanila kung paano makakatulong ang himpilan. 

Tumutok sa DZMM TeleRadyo sa cable at ABS-CBNTVplus, at DZMM Radyo Patrol 630 sa AM radio. Para sa karagdagang impormasyon, o kaya’y sundan ang @DZMMTeleRadyo sa Facebook o Twitter.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.