PANOORIN: Star Patroller 'Emilia Ardiente'

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2018 09:03 PM | Updated as of Apr 12 2018 09:28 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tumatak sa nakararami ang karakter ni Aiko Melendez sa teleseryeng "Wildflower" na si Emilia Ardiente dahil sa palaban nitong pagkatao.

Pero isang matiwasay at tila pormal na "Emilia" ang humarap sa mga manonood nitong Huwebes sa pagsabak ni Melendez bilang Star Patroller sa "TV Patrol."

Kabilang sa mga balitang showbiz na inihatid ni Melendez ay ang pamamaalam ng karakter ni Liza Soberano sa "Bagani," mga paghahanda sa nalalapit na konsiyerto ni Sarah Geronimo, at ang babala ni Dennis Padilla kay Joshua Garcia.

Narito ang ilan sa behind-the-scene photos ni Melendez:

Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Ngayo'y abala si Melendez sa kaniyang paglabas sa "Bagani" bilang si Matadora mula sa bagong ibinunyag na rehiyon ng mga pirata.

Mapapanood ang "Bagani" mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng "TV Patrol."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.